Isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa Maynila.
Ito ay para sa pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, simula 12:01 ng hatinggabi ng enero 14 hanggang 12:01 ng hatinggabi ng Enero 15, sarado ang:
– kahabaan ng N. Zamora St. Moriones St. hanggang Chacon St.m
– kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones St. hanggang Morga St.
– kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. ng N. Zamora St.
– kahabaan ng Morga St. mula Asuncion St. hanggang Juan Luna St.
– kahabaan ng Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.
– kahabaan ng Lakandula St. hanggang Asuncion St. hanggang llaya St.
– kahabaan ng llaya St. mula Lakandutla St. hanggang CM. Recto Ave.
– kahabaan ng Chacon St. mula Cano St. hanggang N. Zamora St.
– kahabaan ng Soliman St. mula Morga St. hanggang Ortega St. / N.Zamora St.
Isasara ang mga nabanggit na kalsada para sa Lakbayaw 2023 para sa pista ng Sto. Niño sa Tondo, Manila.
Samantala, sarado rin para sa Buling-Buling 2023 para sa Pista ng Sto. Niño de Pandacan mula 6:00 ng umaga sa Enero 14 ang:
– kahabaan ng Jesus St. mula Quirino Ave. hanggang Palumpong St.
– kahabaan ng Palumpong St. mula Jesus St. hanggang Beata St.
– kahabaan ng Beata St. mula Jesus St. hanggang T. Claudio St.