Ayon kay Hontiveros maaring makakabuti kung oobserbahan muna ng kagawaran ang pag-aani ng sibuyas sa ibat-ibang dako ng bansa simula sa susunod na linggo.
Nais din niya na makatiyak ang DA at Bureau of Plant Industry (BPI) sa eksaktong dami ng sibuyas na kailangan na bilihin sa ibang bansa.
“Its the best to wait and see. Malapit na ang anihan ng ating mga magsasaka at magpapatuloy ito hanggang Abril,” aniya.
Dagdag pa ni Hontiveros kung magiging maganda ang ani ngayon tulad ng 2022 maaring hindi na 22,000 tonelada ng imported na sibuyas ang ipapasok sa bansa.
Aniya tulong na rin sa mga magsasaka kung iintindihin ang kanilang kabuhayan sa katuwiran na hindi pa nakakabangon ang mga ito sa mga labis na pagkalugi dulot ng kalamidad.
MOST READ
LATEST STORIES