Nagsimula na ang pamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1,000 fuel subsidy sa mga kuwalipikadong tricycle drivers sa Metro Manila, Ilocos at Central Luzon Regions.
“In partnership with the Department of the Interior and Local Government and Local Government Units, Land Bank and LTFRB will disburse a total of ₱10.3 million to an initial 10,343 eligible tricycle drivers under the LTFRB’s Fuel Subsidy Program,” ayon sa ahensiya.
Target ng Department of Transportation (DOTr) na maibigay ang ayuda sa lahat ng 600.000 tricycle drivers sa kalagitnaan ng kasalukuyang buwan.
Ang mga benipesaryo ay makakatanggap ng abiso mula sa kanilang lokal na pamahalaan para sa pagkuha ng kanilang ayuda sa mga sangay ng Land Bank.
Noong Hulyo, inanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr., ang kanyang plano na isama sa nakakatanggap ng fuel subsidy sa sektor ng pampublikong transportasyon ang mga tricycle drivers.