Publiko binalaan sa ‘scammers’ sa Pabahay program ni PBBM

Pinaalalahanan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang publiko na tanging sa mga awtorisaddong ahensiya o indibiduwal  lamang makipag-ugnayan kaugnay sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong  Marcos Jr.

Ayon kay Acuzar, ito ay para makaiwas sa mga grupo at ilang indibidwal na manloloko.

“Let me stress that no private individuals or groups are authorized to act on behalf of DHSUD with regards to Pambansang Pabahay. We are ready to take appropriate action to any report of such unscrupulous act,” babala ni Acuzar.

Sabi pa niya bukod sa DHSUD, maari rin makipag-ugnayan o magtanong ang publiko sa local government units (LGUs),  Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, Social Housing Finance Corporation, National Home Mortgage Finance Corporation at National Housing Authority.

“Tayo po’y magsama-sama at magtulung-tulong sa hangaring matupad ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino na magkaroon ng sariling tahanan na disente, ligtas at abot-kaya,” pahayag ni Acuzar.

Pagbabahagi niya na sa ngayon, nasa 49 na Memoranda of Understanding na ang nilagdaan ng DHSUD sa ibat ibang LGUs sa buong bansa mula nang itatag ang “Pambansang Pabahay” noong Setyembre.

Umaasa ang kalihim na aarangkada ng husto ngayon ang programa, na ang target ay makapagpatayo ng isang milyong pabahay kada taon para matugunan ang 6.5 milyong backlog sa pabahay.

Read more...