P3-M ibibigay ni Pangulong Marcos Jr., pangkumpuni ng mga binahang paaralan sa Misamis Oriental

Bibigyan ni Pangulong F Marcos Jr. ng P3 milyong ayuda ang pamahalaang-panglalawigan  ng Misamis Oriental para sa pagpapagawa sa mga nasirang eskuwelahan dulot ng pagbaha.

“If the LGUs can take the load, we can send you the P3 million plus immediately. Kasi ito ‘yung nakalista dito, for the school buildings,” pahayag ng Pangulo sa situation briefing sa Gingoog City, Misamis Oriental.

“I’m talking about the school buildings for the repair. Yeah do it. By administration na lang para mas mabilis. Mas mabilis and mas mura,” dagdag nito.

Ayon kay  Pangulong Marcos Jr,, nasa 63 silid aralan ang binaha.

Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaliin ang pagkumpuni sa mga nasirang imprastraktura.

Base sa pinakahuling talaan, nasaa 59 barangay sa Gingoog ang naapektuhan ng baha.

Read more...