Barko nagka-aberya , higit 180 Badjao kinupkop ng Philippine Ports Authority

PPA PHOTO
Pinatuloy ng Philippine Port Authority (PPA) sa  parking area ng North Harbor ang mga pauwing Badjao, na hindi natuloy ang biyahe dahil sa aberya ng sasakyan nilang barko. Nakipag-ugnayan ang PPA sa Northport para sa pansamantalang masisilungan ng 162 Badjao at 20 menor-de-edad. Ayon kay PMO NCR North Port Manager Aurora Mendoza, taon-taon ay inaasahan na nila ang pag-uwi ng mga Badjao matapos ang Kapaskuhan. “Habang sira pa po ang barko nila at nag-aantay pa sila, inaccomodate muna po natin sila sa loob, hangga’t nasa loob sila ng pantalan talagang yung security at safety nila ang inaasikaso namin.” ani Mendoza. Nakapagbigay na ang 2GO ng food packs sa mga ito habang nagbigay naman ang PPA ng tubig at ipinagamit na rin ang palikuran at ang charging station para sa mga Badjao.

Read more...