Pamamahagi ng lupa sa CARP beneficiaries pinatatapos ngayon taon

Pinamamadali na ni Pangulong  Marcos Jr. sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga magsasakang benepisyaryo ng agrarian reform program ng pamahalaan.

Sa pulong ng gabinete kahapon, inatasan ng Pangulo ang DAR na ipamahagi na ang certificates of land ownership awards (CLOA) sa mga benepisyaro.

Nangako rin ang Pangulo na maipamimigay ang mga titulo saa loob ng taong ito at bibigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka para mapaganda ang kanilang buhay.

Sa naunang pahayag ng DAR, sinabi  na target nila na  kumpletuhin ang paghati-hati ng 34,500 na collective CLOAs na sakop ng 345,089 ektaryang lupa kung saan nasa 134,000 titulo sa mga agrarian reform beneficiaries.

Hinihintay din ng DAR ang pag-apruba ng Senado sa House Bill 6336 o ang New Agrarian Emancipation Act na magpapaagan sa suliranin ng mga magsasaka na magbibigay ng condonation sa mga hindi nabayarang amortizations at interests.

Layunin din ng panukalang batas na gawing exempted sa pagbabayad ng real estate tax ang agricultural lands na iipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Read more...