Pagpapalaya sa mga PDLs pinamamadali ni Pangulong Marcos

 

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Justice na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga persons deprived of liberty na kwalipikado nang bigyan ng parole.

Ito ay para ma-decongest o mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.

Sa Cabinet meeting sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na base sa kanyang karanasan bilang gobernador ng Ilocos Norte, marami sa mga PDL ang naghihirap sa kulunggan dahil hindi kayang magbayad ng magaling na abogado.

“Wala naman silang magaling na abogado. So that’s why we are in favor now to release many of them,” Marcos said during the Cabinet meeting.

“They just needed representation to set them free. So let’s continue with that,” pahayag ng Pangulo.

Suportado rin ng Pangulo ang plano ng DOJ na magtayo ng Alcaraz-type prison para sa mga pusakal.

Tinukoy din ng Pangulo ang talamak na korupsyon sa loob ng Bureau of Corrections kung kaya kailangang lipinat ang mga bilanggo sa special facilities.

“Iyan ‘yung mga ganoon we have to do that para hindi na ka maka-contact. Alam mo, we have to isolate them properly,” pahayag ng Pangulo.

Base sa 2022 accomplishment report, sinabi ng DOJ na nasa 3,000 PDLs na ang napalaya mula Hulyo hanggang Disyembre 2022.

 

 

Read more...