Palitan ng liderato sa AFP, alam ni Faustino

 

Alam ni dating Department of National Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. ang pagpapalit ng liderato sa Armed Forces of the Philippines.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si General Andres Centino bilang AFP chief of staff kapalit ni Lt. General Bartolome Bacarro.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, prerogative ni Pangulong Marcos ang pagtatalaga ng AFP chief of staff.

“The President as the Commander-in -Chief has the sole prerogative to appoint the AFP Chief of Staff. According to Executive Secretary Lucas Bersamin, former DND OIC Jose Faustino Jr. knew of the developments with regard the appointment of General Andres Centino, who is the only 4-star general in the AFP,” pahayag ni Garafil.

Nagbitiw sa puwesto si Faustino matapos malaman sa balita na mayroon nang palitan ng liderato sa AFP.

 

 

Read more...