Truck, sumampa sa center island ng Marcos Hiway, pahinante, naipit

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Sugatan ang pahinante ng isang 14-wheeler truck matapos na sumampa ang sasakyan sa center island habang binabagtas ang kahabaan ng Marcos Hiway sa Marikina City.

Naganap ang aksidente sa ibabaw mismo ng Marcos Bridge sa lane na patungo ng Antipolo City.

Alas 4:30 ng umaga nang maganap ang aksidente matapos na iwasan umano ng truck ang isang mixer na nag-cut sa sasakyan.

Sa pagsampa sa center island, binangga din ng truck ang mga nakaharang na bakal sa gitna dahilan para mawasak ang bungad ng sasakyan at maipit sa loo bang pahinante.

Nagtulong-tulong naman ang mga tauhan ng MMDA at Marikina Rescue para maialis sa pagkakaipit ang pahinante.

Bago mag alas 6:00 ng umaga nang maialis sa pagkakaipit ang pahinante na agad isinugod sa pagamutan.

 

Read more...