Ejercito: Transportation system ng Pilipinas, kulelat na sa Southeast Asia

 

Matindi na ang pangangailangan para sa modernisasyon ng transportation system sa bansa dahil nangungulelat na ang Pilipinas kumpara sa ibang pang bansa sa Timog Silangang Asya.

“My estimate is that we’re about thirty, thirty-five years behind in terms of infrastructure development and transportation modernization compared to our neighbors,” sabi ni Ejercito sa isang panayam sa telebisyon.

Sa kanyang obserbasyon, kulang na kulang pa ang ipinupuhunan sa ‘infrastructure development’ at ‘transportation modernization.’

“For several decades, we have not really invested much on transport the way our ASEAN neighbors did. We are only investing about two percent of the Gross Domestic Product. It’s supposed to be five percent for infrastructure development,” dagdag pa ng vice chairman ng Senate Committee on Public Services.

Naniniwala ito na kapag napagbuti ang sistema ng transportasyon sa bansa ay mapapabilis ang pagsigla ng ekonomiya, na pinadapa ng pandemya.

“With transportation, with railway systems, more than airports, movement of people, movement of goods will be easier. That will attract, of course, foreign investments. That will make doing business easy and more convenient,” sabi pa nito.

Read more...