Police station at precinct chiefs sa NCRPO na may ranggong lieutenant colonel sasailalim sa drug test

Sasailalim ngayon hapon sa drug test ang mga police station at sub-station commanders sa Metro Manila na may ranggong lieutenant colonel.   Inanunsiyo ito ni NCRPO director, Maj.Gen. Jonnel Estomo kasunod na rin ng pagsasailalim niya at iba pang third-level officers sa surprise drug test noong Biyernes.   Kahapon, negatibo sa paggamit ng droga ang 67 na  opisyal ng NCRPO  na nagpa-drug test.   Ayon kay Estomo, ‘mandatory’ ang drug test mamayang hapon na gagawin sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.   Katuwiran nito, sensitibo ang hinahawakang posisyon ng mga opisyal kayat nararapat lamang na magsilbing magandang ehemplo ang mga ito ng kanilang mga tauhan.   Samantala, ibinahagi ni Estomo na isang third-level officer na lamang ng NCRPO ang hindi nagsusumite ng courtesy resignation bagamat positibo ito na tatalima ang naturang opisyal sa apila ni Interior Sec. Benhur Abalos.

Read more...