Magnitude 5.0 na lindol, tumama sa Nueva Vizcaya, naramdaman sa Baguio City

quake baguioNiyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Nueva Vizcaya, ganap na alas-3:54 ng madaling araw ng Biyernes.

Unang naiulat na magnitude 5.2 ayon kay disaster scientist Mahar Lagmay.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Baguio City at Bayombong, Nueva Vizcaya.

Intensity IV naman sa Madella at Aglipay, Quirino.

Sa kabutihang palad ay wala pa namang naitalang anumang pinsala sa mga gusali o kaya nasaktan sa insidente.

Wala rin namang inaasahang aftershocks ang nasabing lindol.

Read more...