‘P50-M na ang bounty sa ulo namin’-Dela Rosa

 

Inquirer file photo

Mula sa 10 milyon, itinaas na umano ng mga drug lords sa tig-P50-M ang patong sa ulo nina incoming president Rodrigro Duterte at incoming PNP Chief Ronald dela Rosa.

Ayon kay Chief Supt. Dela Rosa, ito ang nakikitang paraan ng mga sindikato ng droga upang kumbinsihin ang mga kriminal na iligpit silang dalawa at mapigilan ang kanilang kampanya kontra sa illegal drugs.

Ang mga lider umano ng mga sindikatong nakakulong sa New Biilibid Prisons (NBP) ang siyang bumubuo ng naturang halaga para sa kanilang mga ulo.

Hawak na aniya nila ang listahan ng mga pangalan ng mga may pakana ng naturang plano ngunit hindi muna ito pinangalanan.

Sa kabila aniya ng ‘bounty’ ng mga drug syndicates, hindi aniya mapipigilan ng mga ito ang kanilang gagawing malawakang kampanya kontra droga sa kanilang pag-upo sa puwesto sa susunod na buwan.

Read more...