Pumasok sa higit 600 kasunduan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mas mapalakas at mapagtibay pa ang technical vocational education and training (TVET) sa bansa.
Noong nakaraang taon, pumirma ang TESDA sa 649 memoranda of agreement, 16 memoranda of understanding, at dalawang memoranda of partnerships sa ibat ibang public at private organizations.
“By expanding partnerships and international cooperation, we can ensure that the tech-voc training of the country is at par with international standards. These also support our ongoing pursuit for an area-based and demand-driven TVET,” ani TESDA Dir. Gen. Danilo Cruz.
May bilateral cooperation din ahensiya sa ibang mga bansa para mapagbuti pa ang TVET standards dito sa Pilipinas.
Bilang auporta naman sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, nasa proseso ngayon ang sa pagbuo sa National Technical Education and Skills Development Plan (NTESDP) 2023-2028
“TESDA remains committed to improving the tech-voc sector of the country in response to the challenges brought by the Fourth Industrial Revolution,” sabi pa ni Cruz.