Iginiit ni Senator Grace Poe na napapanahon na para isapribado ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ginawa ang apila ni Poe para hingiin ang tulong ng pribadong sektor para sa modernisasyoj ng NAIA.
Bunsod na rin ito ng nangyaring aberya sa NAIA noong Enero 1 na labis na ikinadismaya ng higit 60,000 pasahero.
Ayon sa namumuno Senate Committee on Public Services, mula pa noong 2018 ay itinutulak na niya ang privatization sa operasyon at maintenance ng tinaguriang ‘premier gateway’ ng bansa.
Dagdag katuwiran pa nito, kung natupad ang kanyang nais naging madali sana ang rehabilitasyon at pagsasaayos sa NAIA dahil wala namang anumang mga aktibidad noong kasagsagan ng pandemya.
Sa Huwebes, Enero 12, ay pangungunahan ng komite ni Poe ang imbestigasyon sa ‘system glitch’ ng air traffic management system ng NAIA na nagparalisa sa airspace ng bansa.