May 600 third level officers ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignations, ayon sa pambansnag pulisya.
Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., marami pang opisyal ang nagpahiwatig ng pagtalima sa apila ni Interior Sec. Benhur Abalos.
Dagdag pa ng hepe ng pambansang pulisya, suportado ni Pangulong Marcos Jr., ang naturang inisyatibo.
“As of Sunday, we were able to account for more or less 500 to close to 600, as reported from the different regions. Some of these documents are en route here at the national headquarters and these would be collated and submitted to the five-man committee that will be formed by no less than our Commander-in-Chief,” ani Azurin.
May kabuuang 956 generals at colonels sa pambansang pulisya.
Katuwiran pa ni Azurin na ito ay pagtitiyak na ang mga susunod na hahawak ng mga mahahalagang posisyon sa PNP ay walang bahid ng pagdududa sa kanilang integridad.