NCRPO generals, colonels negatibo sa droga

NCRPO PIO PHOTO

Wala sa  72 third level officers ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nag-positibo sa paggamit ng kahit anumang droga.

Ito ang ibinahagi ni NCRPO director, Maj. Gen. Jonnel Estomo base sa resulta ng lab test ng mga isinumite nilang urine samples noong nakaraang Biyernes.

Kinumpirma naman ito ng ulat na isinumite sa PNP Crime Laboratory Field Office sa Camp Bagong Diwa.

Magugunita na, matapos ianunsiyo na 100 porsiyento ang kanilang pagsuporta sa ‘courtesy resignation appeal’ ni Interior Sec. Benhur Abalos, pinangunahan ni Estomo ang surprise drug test sa lahat ng generals at colonels na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa.

Kasabay nito, binalaan niya ang lahat ng mga pulis-NCRPO na magpapatuloy ang random drug-testing para matanggal ang mga pulis na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

 

Read more...