Abu Sayyaf sub-leader timbog sa Basilan

SECOND ZCMFC9 PHOTO

Nagwakas na ang limang taon na pagtatago ng isang Abu Sayyaf sub-leader nang matunton siya sa Barangay Bulanza, Lantawan City sa Basilan Province.

Isinilbi kay Tiyana Janna alias Kumander Ramboo ang isang warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Isabela City RTC Branch 1.

Nabatid na pang-anim na most wanted  person din ng Basilan Provincial Police Office si Janna.

Ayon sa pulisya, ang grupo ni Janna ang responsable sa pagpatay kay Dayasil Wakil, ng Barangay Sapah-bulak, sa bayan ng Sumisip, noong Hunyo 16, 2007.

Ngayon ay nakakulong na sa Isabela City Police Station sa Isabela, Basilan si Janna.

 

 

Read more...