Tinatayang 88,000 ang nakibahagi sa ‘Walk of Faith’, ang prusisyon sa pagselebra ng Pista ng Black Nazarene ngayon araw.
Nagsimula ang prusisyon alas-2 ng madaling araw at naglakad ang mga deboto ng dalawang oras mula Quirino Grandstand hanggang sa Simbahan ng Quiapo.
Sa prusisyon maraming deboto ang nagdala ng imahe ng Nazareno at kandila dahil sinuspindi pa rin ang Traslacion.
Bago pa ito, isinagawa nag ‘Pagpupugay,’ kung saan ipinahawak sa mga pumilang deboto ang bahagi ng krus ng Nazareno, na kapalit naman ng tradisyonal na ‘Pahalik.’
Ngayon hatinggabi ay iseselebra ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand at ito ay pangungunahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
MOST READ
LATEST STORIES