Umaasa si Senator Jinggoy Estrada na sa pagbaalik ng sesyon ng Senado sa Enero 23, uusad na ng husto ang inihan niung Senate Bill No. 1480, na ang layon ay tumaas na ang natatanggap na disability pension ng mga beterano.
Aniya 28-taon na ang P1,000 – P1,700 disability pension at nararapat lamang na taasan na ito dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin sa ngayon.
“Several attempts were made in previous Congresses to pass this bill but for some reason, it failed to breeze through. This time, however, I’m optimistic that this measure will gain the support of my colleagues in both Houses and correct the grave injustice to our disabled veterans by providing them the dignity, respect, and care that they truly deserve,” aniya.
Bukod dito, sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Labor na nais niyang magkaroon at makapagpatibay ng mga polisiya para sa pagkakaroon ng ‘comptetent caregivers’ sa bansa at na sila ay mabigyan ng sapat na proteksyon laban sa mga pang-aabuso.
“Ang mga caregivers, kagaya rin ng ating mga kasambahay, ay malaki ang kontribusyon sa araw-araw nating pamumuhay dahil hindi lamang ang kanilang hindi matatawarang kaalaman at kakayahan ang kanilang ibinabahagi sa kanilang pagseserbisyo. Buong puso rin ang kanilang paglilingkod sa ating mga mahal sa buhay. Kaya’t nararapat lamang na bigyan sila ang karampatang pagpapahalaga at proteksyon laban sa mga pang-aabuso,” sabi pa ng senador.
Gayundin, ibinahagi ni Estrada na nasimulan na niya ang pagdinig para sa isinusulong na Reservist Employment Act at kamakailan lamang ay inihain niya ang Senate Bill No. 1601, ang isinusulong na Act Further Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the AFP.
Kasama din sa kanyang plano ngayon bagong taon ang pagpapatawag sa Congressional Oversight Committee on the AFP Modernization Act para sa pagsasagawa ng pagdinig upang malaman ang kalagayan ng modernization program ng AFP bilang namumuno naman sa Senate Committee on National Defense and Security.