Unang anibersaryo ng NACC ginunita sa pamumuno ni Usec. Janella Estrada

Sa paggunita ng unang anibersaryo ng National  National Authority for Child Care, sinabi ni Undersecretary Janella Ejercito Estrada na umaasa siya na mapapagtibay at mapapaganda pa ang kanilang  kooperasyon sa ibang kinauukulang ahensiya ng gobyerno at sa pribadong sektor. “Sana po ay tulong- tulong tayo na maisaayos at mapabilis ang proseso ng legal adoption at alternative
childcare sa ating bansa na nakaayon sa isinasaad ng batas”, ani Estrada. Nangako si Estrada na  mas pagtitibayin ng pinamumunuan niyang tanggapan ang pagsusulong ng interes ng bawat bata na nasa kanilang pangangalaga. Ibinihagi niya na sa nakalipas na isang taon nagbunga naman ng maganda ang pagtupad sa kanilang mandato para sa ‘adoption and alternative child care.’ “This has not been an easy year for any of us, but we made it through by working together with the same
goal in mind: for the best interest of the child,” sabi pa nito. Pinangunahan din niya ang ‘reaccreditation’ ng Foreign Adoption Agencies (FAAs) at personal na binisita ang ilang Child Caring Agencies (CCAs) at Regional Care Facilities (RCFs) para tiyakin na naaalagaan ng husto ang mga bata. Kinilala din niya ang kahalagahan ng bahagi na ginagampanan ng kanilang social workers. “Our social workers’ mental well-being is just as important as the children in need
that we serve. Kailangan din natin silang suportahan para makapagbigay ng maayos na serbisyo,” dagdag pa ni Estrada. Naikasa din ng ahensiya sa loob ng kanilang unang taon ang  1st Child Placement Committee (CPC) Oath- Taking Ceremony, Ceremonial Signing of the Implementing Rules and Regulations ng RA 11642, o ang  Domestic Administrative Adoption and
Alternative Child Care Act at ng RA11767 o ang Foundling Recognition and Protection Act.

Read more...