Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nadagdagan

 

Inquirer file photo

Nadagdagan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pagitan ng January hanggang April ng kasalukuyang taon.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nabatid na noong nakaraang Enero, may 2.5 milyon Pinoy ang unemployed at naging 2.6 milyon ito noong Abril.

Kabilang sa mga lalawigang may pinakamataas na unemployment rate ay ang National Capital Region, Ilocos, Calabarzon, at Central Luzon.

Ngunit kasabay nito, bumaba naman ang bilang ng ating mga kababayan na underemployed.

Sa bilang na 7.88 milyon noong Enero, naging 7.35 milyon na lang ito noong Abril na nangangahulugan ng 18.2 percent underemployment rate.

Read more...