Impormasyon ukol sa shabu lab sa Bilibid, “inconclusive” – DOJ

 

Inquirer file photo

Walang matibay na impormasyon o ebidensyang makapagpapatunay tungkol sa sinasabing shabu laboratory sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay acting Justice Sec. Emmanuel Caparas, isa ito sa mga iilang impormasyon na nakukuha nila mula sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ngunit nananatiling “inconclusive” aniya ang nasabing isyu dahil wala pa namang makapagpapatibay sa impormasyong ito.

Sa kabila kasi ng ilang beses na pag-galugad ng mga otoridad sa Bilibid, wala pa namang nadidiskubreng shabu laboratory sa loob.

Paliwanag ni Caparas, ang nasabi lang sa impormasyong nakuha nila ay na mayroong laboratoryo, ngunit hindi naman natukoy kung saang bahagi ng Bilibid.

Ang NBP na nasa ilalim ng pamamahala ng BuCor ay may land area na 500 hectares.

Read more...