Baste Duterte, emosyonal sa mensahe sa ama

 

Mula sa bandera.inquirer.net

Naging madamdamin ang pagbibigay ni Sebastian “Baste” Duterte ng mensahe para sa kaniyang ama na si incoming President Rodrigo Duterte.

Sa pagharap niya sa mga bisita sa pribadong thanksgiving party na ginawa para kay Duterte sa Cebu, Miyerkules ng gabi, inamin ni Baste na ang tunay niyang iniidolo ay ang kaniyang ama.

Binalikan niya ang alaala kung kailan tinanong siya ng kaniyang ama noong siya ay bata pa, kung sino ang kaniyang idolo.

Ang sinagot niya aniya noon ay si Michael Jordan, pero sa kaniyang mensahe, sinabi niya na mali pala ang kaniyang isinagot sa Papa niya noon.

Sinabi ni Baste sa kaniyang ama na “Ikaw talaga ang number one idol ko,” habang bahagyang naluha.

Dagdag pa ni Baste, utang niya sa kaniyang ama kung ano man siya ngayon dahil noon pa man ay tinitingala na niya ang kaniyang ama.

Matatandaang una nang sinabi ni Baste na wala siyang interes sa pulitika, pero tumulong lang talaga siya sa kampanya ng kaniyang ama.

Read more...