Metro Manila, Central Luzon at Visayas uulanin dahil sa amihan, LPA

Asahan na ang hanggang sa matinding pag-ulan  sa Metro Manila, Central Luzon, at Visayas dahil sa amihan at lowe pressure area.

Ayon sa PAGASA, matinding pag-ulan din ang maaring maranasan ng Bicol Region, Quezon Province at Aurora.

Makakaranas din ng pag-ulan sa Cagayan Valley, Visayas, Mimaropa, ang ilang bahagi ng Central Luzon at  bahagi ng Calabarzon.

Huling namataan ang LPA sa distansiyang 185 kilometro ng Coron, Palawan.

Ayon sa Pagasa hindi naman inaasahan na magiging bagyo ang LPA bagamat nagbabala sa posibleng pagbaha at pagguho ng mga lupa dahil sa ulan.

 

Read more...