Kabuhayan ng mga mangingisdang Pinoy sa WPS pinag-usapan nina PBBM at President Xi

Ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping ang kapalaran ng mga Filipinong mangingisda na pumapalaot sa West Philippine Sea. Nasa China ngayon si Pangulong Marcos para sa kanyang unang State visit. Ayon kay Pangulong Marcos, nagkasundo naman sila ni Xi na maghanap ng solusyon  at kompromiso para ma pangalagaan ang kapakanan ng mga mangingisda. Matatandaang ilang beses nang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas dahil sa nararanasang harassment ng mga Filipino ng mangingisda mula sa Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, klaro ang kanyang punto kay Xi na dapat na itaguyod ang kapakanan ng mga Filipinong mangingisda. “On the political front, we also discussed what we can do to move forward to avoid any possible mistakes, misunderstandings that could trigger a bigger problem than what we already have,” pahayag ni Pangulong Marcos. “And the President [Xi] promised that we would find a compromise and find a solution that will be beneficial so that our fishermen might be able to fish again in their natural fishing grounds,” dagdag ng Pangulo. Una nang nagkasundo ang Pilipinas at China na magtatag ng mekanismo para sa komunikasyon sa maritime issues sa pagitan ng  Department of Foreign Affairs (DFA)  Ministry of Foreign Affairs.

Read more...