China handa nang ituloy ang usapan sa WPS gas exploration

Maaring magsimula na muli ang pag-uusap ng Pilipinas at  China ukol sa gas at oil explorations sa West Philippine Sea. Sinabi ito ni Chinese President Xi Jinping sa gitna ng sigalot ng dalawang bansa sa a gawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay Xi, dapat na palakasin pa ng dalawang bansa ang komunikasyon at kooperasyon lalo na sa usapin sa agrikultura, imprastraktura, eherhiya, kultura at iba pa. Taong 2018 nang umpisahan ng Pilipinas at China ang posibilodad na joint exploration sa oil at gas assets sa West Philippine Sea. Pero bago pa man maupo sa pwesto si Pangulong Marcos, natigil ang pag-uusap dahil sa isyu ng soberenya.

Read more...