Ex-Duterte appointee itinalaga sa PAOCC

Itinalaga ni Pangulong  Marcos Jr. si dating permanent member ng Dangerous Drugs Board (DDB) Gilbert  Cruz bilang undersecretary ng Presidential Anti- Organized  Crime Commission (PAOCC). Inanunsyo ito ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil. Nanumpa na sa kanyang bagong tungkulin si Cruz kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malakanyang. Ang PAOCC ay nasa ilalim ng Office of the President. Si Cruz ay itinalaga noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa DDB at siya ay retiradong heneral sa pambansang-pulisya.

Read more...