High ranking police officials hiniling ng DILG na mag-resign

CALABARZON POLICE PHOTO

Pinagsusumite ng courtesy resignation  ni Interior Secretary Benhur Abalos ang lahat ng generals at colonels sa pambansang-pulisya.

Katuwiran ni Abalos, naiisip niya na sa ganitong paraan ay malilinis ang PNP ng mga isinasangkot sa droga.

Sinabi pa nito na ito ang tanging paraan para magkaroon ng pagbabago sa hanay ng pambansang-pulisya.

Nabatid na may higit 300 police generals at colonels sa bansa sa kasalukuyan.

Paliwanag ni Abalos, kapag nagsumite ng kanilang resignation letter ay hindi naman aalisin sa kanilang puwesto ang mga opisyal hanggang hindi naaaprubahan ito.

Kikilatisin aniya mabuti ng isang five-man committee ang bawat opisyal na magsusumite ng kanilang resignation letter.

Maging si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., na itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., ay sakop ng kanyang kahilingan.

Read more...