LPA pumasok na sa PAR, magpapa-ulan sa Vis-Min at Palawan

Pumasok na kagabi  sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA na low pressure area (LPA).

Sa update ng PAGASA,  huli itong namataan sa distansiyang 195 kilometro silangan ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao.

Magiging makulimlim naman sa  Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol Region, Aurora, at ilang bahagi ng  Mimaropa dahil sa amihan, gayundin sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Nagbabala ang Pagasa sa maaring pagkakaroon ng flashfloods at landslides dahil sa maaring malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, itinaas naman ang gale warning sa dagat ng Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Aurora, at hilagang bahagi ng Quezon kasama na ang Polillo Islands.

Read more...