Patay sa ‘Christmas weekend rain’ lumubo sa 52

Umakyat na sa 52 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pag-ulan at pagbaha noong nagdaang Kapaskuhan.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ito ay matapos makumpirma ang isa pang nasawi.

Nabatid na 26 sa mga namatay ay sa Northern Mindanao, siyam sa  Bicol region (9), lima sa Eastern Visayas, apat sa Zamboanga Peninsula at Davao region, tatlo sa Caraga (3), at isa  sa Mimaropa.

May 18 katao pa ang nawawala, samantalang nasugatan ang 16.

Umabot na sa higit P100 milyon ang halaga ng pinsala sa kabahayan, samantalang sa mga imprastraktura naman ay P262 milyon at sa sektor ng agrikultura ay P243 milyon.

May 163,320 pamilya sa 10 rehiyon ang apektado,

 

Read more...