Bebot, 3 pa timbog sa shabu, ecstasy at kush

SPD PIO PHOTO

Arestado ang apat katao, kabilang ang isang 23-anyos na babae, sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District -Drug Enforcement Unit sa Pasay City kaninang madaling araw.

Ayon kay SPD director, Brig, Gen. Kirby Kraft, alas-3 nang ikasa ang operasyon sa Amazing Show Theater sa Barangay 76.

Kinilala niya ang mga naaresto na sina Dzun Robe May, 26; Lorenzo Victoria, 26; Joebert Almenario, 27 at Alyssa Eden.

Nakuha sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, 10 ecstasy capsules na may halagang P16,800 at 180 gramo ng kush o high grade marijuana na may halagang P252,000.

Kinumpiska din ang gamit nilang Mitsubishi Mirage (NFU 9200) at Toyota Vios (ABT 5344).

Read more...