Babaeng pasahero na patungo sa Japan, inaresto sa NAIA Terminal 2 dahil sa bomb joke

NAIA Terminal 3Arestado ang isang babaeng pasahero matapos magbiro na may dalang bomba sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City.

Nasa kostudiya na ngayon ng Aviation Security Unit National Capital Region ang suspek na si Nancy Garcia Ebata, 27 anyos na taga Bagong Silang Caloocan City.

Ayon kay Police Senior Supt. Adolfo Samala Jr, pinuno AVSRU-NCR, patungo sana ang suspek sa Haneda Japan sakay ng Philippine Airlines Flight PR-422.

Pagdating ni Ebata sa Check-in Counter 49, Northwing Departure Area, ng NAIA Terminal 2, tinanong siya ni Customer Service Agent Leonardo Mendina Jr. kung ano ang laman ng kanyang bagahe.

Ang sagot ni Ebata ay “Abubot lang ng friend ko. May bomba, Joke! Joke! Joke!”

Dahil dito agad na sinabihan si Ebata na hindi maaaring gawing biro ang pagdadala ng bomba.

Agad na inaresto si Ebata at binasahan ng Miranda Doctrine.

Nanatili si Ebata ngayon sa Aviation Security Unit habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sumailalim na rin si Ebata sa inquest proceedings sa National Prosecution Service, Department of Justice sa Manila sa ilalim ni Associate Prosecution Attorney II Wendell Bendoval.

Read more...