Ayon kay LFS Secretary General Aries Gupit, walang katuwiran ang pagtaas sa tuition sabay panawagan sa pagbasura sa iba pang singilin ng mga paaralan na aniya ay napakamahal at kaduda duda.
Binanggit nito na base sa datos na rin ng CHED, ang average na naging pagtaas sa tuition sa kolehiyo ay P43.39 per unit, samantalang ang ibang school fees naman ay tumaas ng hanggang P115.58.
Pinansin pa nito na sa pamumuno ng administrasyong Noynoy Aquino, dumoble ang average tuition rate sa bansa na P30,000 to P50,000 noong 2010 ay naging P60,000 hanggang P100,000 noong nakaraang taon.
Ipinaalala ni Gupit na ang CHED ay may kapangyarihan na limitahan o i-regulate ang tuition at iba pang siningilin sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo.