P149 bilyong tourism revenue, nakolekta ng Marcos admin

 

Umabot sa P149 bilyong tourism revenue ang nakolekta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa year-end report na isinumite ng DOT kay Pangulong Marcos, nakolekta ang kabuuang tourism revenue mula Hulyo hanggang Nobyembre.

Ayon sa DOT, dahil kinikilala ang Pilipinas na world’s leading beach and dive destination, nakapagtala ang bansa ng 2.4 milyong international arrivals o katumbas ng 75 percent na agency target.

Una nang itinakda ng DOT ang 1.7 milyong target para saa international visitor arrivals.

Para sa susunod na taon, target ng DOT ang 2.6 milyong international tourist arrivals sa low scenario at 6.4 milyon sa high scenario.

Target din ng DOT na mapalakas pa ang mga plano at programa para sa taong 2023 gaya ng connectivity, convenience, at e(Quality).

Target din ng DOT ang pagtatatag ng Tourism Information Desks and Tourist Rest Areas, pagpapalakas sa Filipino Brand of Service Excellence, at pagpapalakas pasa accreditation standards para masiguro ang competitiveness ng Pilipinas sa tourism sector.

Pursigido rin ang DOT na buksan ang turismo at itaguyod ang Halal tourism sa Mindanao.

 

 

Read more...