(Courtesy: PCG)
Patay ang 25 katao dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao regions.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, lima ang nasawi sa Bicol region, dalawa sa Region 8, dalawa sa Region 9 at 16 sa Region 10.
Nasa 26 katao naman ang naiulat na nawawala at patuloy na pinaghananap ng search and rescue team.
Sa naturang bilang, 12 ang nawawala sa Region 5, 11 sa Region 8, isa sa Region 9 at dalawa sa Region 10.
Nasa siyam katao naman ang naiulat na nasugatan at nilalapatan ng lunas.
Nasa 102,476 na pamilya o 393,069 katao ang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.
Sa naturang bilang, 81,443 katao ang nasa 292 na evacuation centers.
MOST READ
LATEST STORIES