Tumaas ng 14 porsyento ang firework-related injuries ngayong taon kumpara noong 2021.
Ayon kay Department of Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 25 katao na ang nasugatan dahil sa paputok mula Disyembre 21 hanggang 27.
Mas mataas ito kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nakapagtala lamang ng 22 cases.
Pinapayuhan ng DOH ang mga nasugatan na agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng lunas at maturukan ng anti-tetanus.
Una nang hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang local government units na magtalaga ng common area para sa mga paputok o hindi kaya ay magsagawa ng fireworks display.
MOST READ
LATEST STORIES