Inirekomenda ng Department of Health kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin pa ang umiiral na state of calamity sa bansa dahil sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naisumite na ng kanilang hanay ang memo sa Pangulo.
Una nang pinalawig ni Pangulong Marcos ang state of calamity ng hanggang Disyembre 31, 2022.
Ayon kay Vergeire, hinihintay pa ng kanilang hanay ang tugon ng Pangulo.
Kapag kasi natapos na ang state of calamity, maapektuhan ang estratihiya ng DOH sa pagtugon sa pandemya.
MOST READ
LATEST STORIES