Kaliwa’t kanan ang mga reklamo ng mobile phone users sa kanilang pagtatangka na iparehistro ang kanilang SIM ngayon unang araw ng SIM registration.
Ala-6:30 ng umaga ay ‘bumagsak’ na ang registration links ng Globe at Smart.
Pinayuhan naman ng dalawang telcos ang kanilang subscribers na subukan muling i-access ang registration links sa kanilang websites.
Sinabi ni Manny Estrada, ng Globe Telecom Legal Services Group, inaasikaso naman ng kanilang mga tauhan ang isyu para sa dagsa ng mga pagtatangka na iparehistro ang kanilang SIM.
Aniya may ‘dedicated team’ sila ng technical at customer engagement teams para matugunan ang ‘concerns’ ng kanilang subscribers.
Sa bahagi naman ng PLDT-Smart, sinabi ni Cathy Yang, ang corporate communications chief, ang mga pangyayari ay senyales na handa ang subscribers na sumunod sa bagong batas.
Humingi lang siya ng paumanhin at nakiusap sa kanilang subscribers na habaan ang pasensiya sa pagpapa-rehistro ng kanilang SIM.