P19.65 bilyong benepisyo para sa health workers, naibigay ng DOH

 

Aabot sa P19.65 bilyong benepisyo na ang naibigay ng Department of Health sa mga health workers na tumugon sa pandemya sa COVID-19.

Sa accomplishment report na isinumite ng Department of Health sa Palasyo ng Malakanyang para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre, 1,624,045 na health workers ang nabigyan ng One COVID Allowance/ Health Emergency Allowance at  73,711 health workers ang nabigyan ng special risk allowance.

Sa naturang halaga, nabigyan din ang mga health workers ng hazard pay.

Nakasaad pa sa ulat ng DOH na 3,100,258 indibidwal ang nadagda sa talaan na nabakunahan kontra COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 73,713,573 ang kabuuang bilang ng mga Filipino na fully vaccinated.

Nasa 1,430,286 karagdagang pasyente ang naserbisyuhan ng DOH sa taong 2022.

Nasa P16.6 bilyong karagdagang assistance ang naibigay ng DOH sa mga pasyente.

Nasa P11.24 bilyong ang medical assistance na naibigay ng DOH sa 1,878,650 pasyente sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) Program.

Nasa P468.59 milyong tulong ang naibigay ng DOH sa lahat ng rehiyon ng Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) activities.

Nakapagpatayo rin ang DOH ng karagdagang 40 functional specialty centers dahilan para maitala ang 46 total number ng specialty facilities sa buong bansa.

 

Read more...