VP Sara Duterte nagbigay ng tulong sa mga biktima ng baha sa Zamboanga

 

Nagpadala na ng tulong o relief goods si Vice President Sara Duterte sa mga biktima ng pagbaha sa Zamboanga City.

Mismong ang mga tauhan ng Office of the Vice President’s Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa pakikipag-tulungan ng Western Mindanao Command, Marine Batallion Landing Team 11, 74th Infantry Batallion, OVP Zamboanga Satellite Office, at Social Welfare and Development Office ng Zamboanga City ang nag-abot ng tulong.

Kabilang sa mga ipinamigay na ayuda ang tubig, sanitary items, sleeping mats, blankets, mosquito nets, at face masks.

Ibinigay ang tulong sa mga pamilya sa Barangays Putik, Cabuluay, Culianan, Pasolobong at Boalan.

Nabigyan din ng tulong ang mga residente sa Barangay Tumaga.

Base sa talaan ng City Government ng Zamboanga, mahigit 400 residente ang nanatili ngayon saw along evacuation centers.

 

Isang residente sa Zamboanga ang naiulat na nawawala.

 

Read more...