Mga tanggapan ng pamahalaan pinatutulong ni Pangulong Marcos sa mga biktima ng pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao

 

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan na bigyan ng ayuda ang mga biktima ng pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao regions dulot ng shear line rainfall.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, nasa Palasyo ng Malakanyang ngayong araw ang Pangulo.

Nakamonitor aniya ang Pangulo at nagsasagawa ng sunod-sunod na meeting.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. is in Malacanang monitoring and holding meetings with several officials over various issues including giving immediate assistance to those affected by the shear line rainfall and flooding in the Visayas and Mindanao regions,” pahayag ni Garafil.

Base sa pinakahuling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 13 katao na ang naiulat na nasawi sa Visayas at Mindanao regions.

 

Read more...