‘Mixed price adjustments’ sa gasolina, diesel sa pagpasok ng 2023

 

Sa pagtatapos ng taon, magpapatupad pa ang mga kompaniya ng langis ng ‘mixed price adjustments’ sa kanilang gasolina at krudo epektibo ngayon araw.

Ala-6 ngayon umaga, tumaas na P0.95 ang presyo ng kada litro ng gasolina ng Shell, Seaoil at Petrogazz, samantalang natapyasan ng P0.20 naman ang kabawasan sa bawat litro ng diesel.

Inanunsiyo din ng Shell, Seaoil at Caltex na madadagdagan ng P0.50 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Ang mga pagbabago sa presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo ay ipinatupad alas-12:01 ng madaling araw kanina sa bahagi ng Caltex.

Samantala, ang paggalaw sa kanilang mga presyo at gagawin naman ng Cleanfuel ng alas-4:01 ng mamayang hapon.

Noong nakaraang linggo, nagtaas na ng presyo ang mga kompaniya, P0.70 sa gasolina, P2.90 sa diesel at P1.65 naman a kerosene.

Ang pagbabago sa mga presyo ay bunga ng pagtaas ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Read more...