Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) ang mga ulat ukol sa napipintong pagtaas ng presyo ng bigas.
Sinabi ni DA deputy spokesman Rex Estoperez na walang pagtaas sa halaga ng pangunahing butil sa bansa dahil inaasahan ang pagbuti ng pag-ani sa pagpasok ng bagong taon.
Unang inanunsiyo ni Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, na maaring magmahal ng P2 ang bawat kilo ng bigas.
Sa ngayon, ang halaga ng bigas kada kilo ay mula P38 sa regular milled hanggang sa P50 na espesyal na uri ng bigas.
MOST READ
LATEST STORIES