(Courtesy: PCG)
Patay ang 13 katao matapos ang malakas na pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao regions.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pito ang nasawi sa Northern Mindanao, tatlo sa Bicol Region, dalawa sa Eastern Visayas at isa sa Zamboanga Peninsula.
Anim katao naman ang nasugatan.
Ayon sa NDRRMC, 23 katao ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng search and rescue team.
Nasa 44, 282 pamilya o 166, 357 katao ang naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.
Sa naturang bilang, 45,382 katao ang inilikas at nanatili sa 87 na evacuation centers.
Nasa 534 naman na bahay ang nasira at nagkakahalaga ng P11,290,000.
Nasa P59,829,614 na halaga ng agrikultura at imprastraktura ang nasira.
MOST READ
LATEST STORIES