19 na sunog dahil sa paputok, naitala ng BFP

Nasa 19 na sunog na may kinalaman sa paputok ang naitala ng Bureau of Fire Protection ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni BFP spokesperson Supt. Annalee Atienza na nakalulungkot na 19 na sunog na ang naitatala ng kanilang hanay.

Hindi aniya katulad noong nakaraang taon na walang sunog na naitala dahil sa paputok.

“So, sana po hindi na po ito madagdagan hopefully, and patuloy din po naman ang ating Bureau of Fire Protection sa visibility para po talagang mas lalong maging aware ang ating mga community,” pahayag ni Atienza.

Ayon kay Atienza, malaking tulong sa kanilang hanay ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa local government units na maglagay ng designate area para sa paputok o hindi kaya ay magkaroon ng fireworks display.

Well, napakalaking impact po nito kasi na-prove na po natin, when the 2021 and 2022 New Year na sinalubong natin ay zero fire incident po tayo dahil sa ipinagbawal nga po, at nagkaroon ng kautusan led by our League of Mayors lalo na dito sa NCR na totally no fireworks sa ating mga residential area; only sa designated at ang mga LGU na marurunong ang nagsagawa nito para talagang mapanatili natin, ma-assure natin iyong safety ng ating mga kababayan,” pahayag ni Atienza.

Paliwanag ni Atienza, sa mga designated areas, may mga nakaantabay na fire truck at mga pulis sa paligid.

 

 

Read more...