3.5 milyong pasahero dadagsa sa NAIA

 

Nasa 3.2 hanggang 3.5 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Manila International Airport Authority senior assistant genera Bryan Co na sa ngayon, nasa 125,000 na pasahero ang dumadagsa sa airport kada araw.

Mas mataas ito kumpara sa 100,000 pasahero na naitatala kada araw noong buwan ng Nobyembre.

Karamihan aniya sa mga pasaherong dumadagsa ay galing sa abroad kagaya ng Amerika, Canada, Middle East at iba pa.

Marami rin aniya sa mga pasahero ang umuuwi naman sa kani-kanilang probinsya.

“So, talagang we’re recording a lot of passenger traffic compared to the past two years po talaga na talagang the borders were restricted in 2020/2021 pero talagang itong 2022 it’s actually 95% of the pre-COVID levels na po,”.

Tiniyak naman ni Co na nakahanda hindi lang ang mga opisyal sa airport kundi maging ang Office for Transportation Security, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at iba pang tanggapan para masiguro na ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero.

Nagpatupad na rin anya ang MIAA ng terminal balancing kung saan hinati hati ang biyahe ng mga airpline company sa ibat ibang terinal para maiwasan ang congestion o pagdagsa ng mga pasahero.

“So, lahat po ng mga programa na ito ay nakapag-contribute po towards the planning for a better passenger experience natin this coming peak season. And if you note also, one of the steps in terms of iyong mga pagpipila ay nabawasan po iyan dahil ang mga initial x-ray screening po natin sa lahat ng terminals natin ay natanggal na po natin, so mas maginhawa na po ang pagdadaloy ng ating mga pasahero sa ating mga terminals,” pahayag ni Co.

Samantala, tanggap naman ng MIAA ang pag-aaral kung saan nasa ikatlong puwesto ang NAIA bilang pinaka stressful na airport sa buong asya.

“Well, yes of course, we accept this. This was from a vlog. This is you know, from Hawaiian Island that came out I think a few weeks ago but we accept all of these as constructive inputs for us to improve po talaga ang ating serbisyo dito sa NAIA,” dagdag ni Co.

 

 

 

Read more...