P10.95 milyong ayuda, ipinamahagi sa mga pamilyang biktima ng Bagyong Kiko sa Batanes

 

Aabot sa P10.95 milyong cash assistance ang ipinamahagi ng National Housing Authority sa 907 pamilya na biktima ng Bagyong Kiko sa Batanes.

Ayon kay NHA Officer-in-Charge Roderick Ibañez, ipinamigay ang ayuda sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Ayon kay Ibañez,, 75 porsyento sa mga pamilya sa Batanes ang nabiktima ng bagyo. Marami aniya ang nawalan ng tahanan dahil pawang gawa sa light materials ang bahay.

Kasama ni Ibañez sa pamamahagi ng ayuda si NHA Region 2/CAR 2 Manager EngineerFerdinand Sales.

“Through NHA’s EHAP, the agency releases cash aid to families whose houses were destroyed or damaged by man-made or natural calamities such as earthquakes, typhoons, flash floods, and fires,” pahayag ni Ibañez.

Ayon kay Ibañez, sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben Tai, libu-libong pamilya na biktima ng kalamidad ang naayudahan ng NHA.

 

Read more...