Dating SC associate justice Dante Tinga itinalagang chairman ng DBP

 

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Supreme Court associate justice Dante Tinga bilang acting chairman at miyembro ng Board of Directors ng Development Bank of the Philippines.

Nanumpa na rin sa puwesto si Tinga kahapon sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malakanyang.

Si Tinga ay nagsilbing associate justice ng SC noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nagsilbi rin si Tinga bilang kongresista ng Taguig-Pateros.

Si Tinga ay naging dean ng University of the East Collega of Law mula noong 1989 hanggang 1993.

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Tinga noong Disyembre 9.

 

 

Read more...